Bagyo papalapit ng PAR

ISANG bagyo sa Pacific Ocean ang patuloy na lumalakas at binabantayan kung papasok sa Philippine Area of Responsibility.

Binigyan ng international name na Wutip ang bagyo. Ito ay salita sa Macau na ang ibig sabihin ay paru-paro.
Kung papasok sa PAR ito ay tatawaging Betty.

Inaasahan ang lalo pang paglakas ng bagyo na maaaring umakyat sa Severe Tropical Storm o Typhoon category.

Umuusad ito sa direksyon na hilagang kanluran.

Muli umanong lalakas ang Hanging Amihan habang papalapit ang bagyo kaya posibleng magbago ang direksyon ng bagyo.

Dalawa ang nakikitang scenario ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa bagyong ito. Maaari umano itong bumaba dahil sa Hanging Amihan at hindi na pumasok ng PAR.

Posible rin na humina ang bagyo dahil sa Hanging Amihan at maging low pressure area na lamang pagpasok sa PAR.

Read more...