TULOY ang pagbabawal ng Light Rail Transit 1 sa pagpasok ng mga bottled water at iba pang likido sa mga istasyon nito.
Ginawa ng LRT 1 ang anunsyo kahapon matapos kanselahin ng Metro Rail Transit 3 ang pagpapatupad nito, at sinuspendi ng LRT 1 ang naturang panuntunan.
Ayon sa Light Rail Manila Transit, ang operator ng LRT 1, “patuloy na ipatutupad and guidelines ng PNP (Philippine National Police) sa pagbabawal ng mga bottled water at iba pang inumin sa lahat ng aming station.”
Nilinaw naman ng LRMC na “pinapahintulutang ang pagdadala ng breast milk bags, feeding bottles, medicines, alcohol at perfume basta ito ay dumaan sa security check.”
Noong Disyembre 2000 ay 10 katao ang nasawi ng pasabugin ang LRT Blumentritt station sa Maynila.
MOST READ
LATEST STORIES