Belladonnas dedma sa sugat, pasa para sa ‘This Is Me’ concert


NAG-PERFORM ang Belladonnas at Clique V sa charity event ng Philippine Movie Press Club sa GRACES (Home For The Aged) noong Feb. 15.

Ipinadala sila ni Ms. Len Carillo ng 3:16 Events and Talent Management. Hindi na bago ang pagiging charitable ni Ms. Len dahil palaging may puwang sa kanya ang anumang event na kakailangan ang kanyang mga alaga.

Anyway, puspusan na ang paghahanda ng Belladonnas at Clique V para sa kanilang mga production number for their “This Is Me” concert at the Skydome of SM North on Sa-turday, Feb. 23.

Sa aming interview with the three members of Belladonnas ay hindi sila magpapatalbog sa sexy numbers ng Clique V at meron din silang agaw-buhay numbers.

Super diet nga sila at wala rin silang keber kahit na magkapasa-pasa sila sa kanilang dance rehearsals.

Read more...