HINDI nakarating ang ilang cast members ng pelikulang “Rainbow’s Sunset” sa ginanap na 2018 Metro Manila Film Festival Appreciation Dinner sa Sampaguita Gardens, Valencia, Quezon City nitong nadaang weekend.
Ang expected na dara-ting sana ay ang nanalong Best Supporting Actress na si Aiko Melendez para tanggapin ang kanyang cash prize pero wala siya at representative na lang niya ang kumuha.
May taping daw ang aktres ayon mismo sa taga-MMFF. Ganu’n din si Tirso Cruz lll, may taping din ito para sa The General’s Daughter naman kaya wala sila ni Aiko sa pictorial para sa nanalong 218 MMFF Best Film.
Ang mga dumalo lang ay sina Eddie Garcia, Tony Mabesa, Max Collins, Gloria Romero at ang direktor na si Joel Lama-ngan.
Sa pelikulang “One Great Love” ng Regal Films ay hindi naman nakarating ang nanalong Best Actor na si Dennis Trillo na hindi rin nakarating noon sa MMFF awards night. At dahil hindi siya pumunta sa appreciation dinner ay hindi rin niya makukuha ang kanyang cash prize.
Anyway, si Harlene Bautista ang tumanggap ng cash prize para sa “Rainbow’s Sunset” na nanalo ngang Best Film at dahil sa rami ng natanggap na award ng pelikula ay na-inspire ulit silang mag-produce. Plano rin nilang isali ang “RS” sa mga international film festival.
Suportado naman ng MMFF ang “Rainbow’s Sunset” sa sasalihan nitong Remi Awards para sa 52nd Annual WorldFest na gaganapin Houston, Texas ngayong Abril, 2019.
Ang Viva Vice President for Marketing naman na si Leigh Legaspi ang tumanggap sa premyo para sa pelikulang “Aurora” na nanalong 2nd Best Picture. May representative naman ang Regal Films para tanggapin ang 3rd Best Picture prize para sa “One Great Love.”
Namataan namin sa okasyon si FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra at ang National Artist na si Bienvenido Lumbera.
Samantala, masayang inihayag ng executive committee ng MMFF na kuntento sila sa magandang resulta ng 2018 filmfest kasabay ng pag-aanunsiyo na bukas na ang application para sa Metro Manila Film Festival 2019.
Narito ang araw at petsa ng deadline para 2019 MMFF: Letter of Intent (of joining) for full length films – not later than 5 p.m. of April 1.
For script submission and other required documents – not later than p.m. of May 31; announcement of the 4 official script entries – July 5.
For finished fims: Submission of entries among other requirements – not later than 5 p.m. of Sept. 2 for early birds, and Sept. 20 for regular submission. The announcement of the 4 official finished film entries – Oct. 19.
And for the Student Short Films category – Letter of Intent — not later than 5 p.m. of April 30. Deadline for submission of script – not later than 5 p.m. of July 15 at ang announcement ng 16 Selected scripts ay sa July 30.