MALALIM at hindi basta nagkasawaan lang ang rason kung bakit naghiwalay sina Winwyn Marquez at Mark Herras matapos ang tatlong taong relasyon.
Nitong huling bahagi pa raw ng 2018 naghiwalay ang dalawang Kapuso stars pero ayaw na talagang magdetalye ni Winwyn bilang respeto na rin kay Mark.
Sa nakaraang presscon ng latest offering ng Regal Entertainment, ang “Time & Again” na pinagbibidahan nina Winwyn at Enzo Pineda inamin ng beauty queen-actress ang break-up nila ni Mark.
Aniya, hindi mababaw ang dahilan ng kanilang break-up, “It’s a collection of small things na medyo mas… basta… It’s a deeper reason talaga.
“It’s not a petty reason na naiisip lang ng ibang tao, ‘Siguro third party involved.’
“Yun kasi ang maiisip nila agad. It’s not that. It’s a deeper reason talaga and we tackled it maturely, which is good,” paliwanag pa ng dalaga.
Sinubukan din nilang i-save ang kanilang relasyon, “Siyempre, yung breakup hindi naman one day break na kayo agad, when you wake up, break na kayo. No. Of course, we tried.
“Tinray talaga namin nang tinray hanggang sa naging mutual na lang ang desisyon na maghiwalay which is, for me, alam kong breakup, pangit pa-kinggan.
“Pero for me, it’s nice na naghiwalay kami nang maayos, nang walang away, nang walang third party involved. And ang gusto namin together is to grow on our own, which is very mature.
“And hindi naman lahat ganun nagbi-break. And I can say wala akong galit sa kanya at all,” aniya pa.
Posible pa naman daw na magkabalikan sila? “I wouldn’t close any doors kasi baka mamaya sabihin ko wala, tapos bukas kami na uli, di ba? I don’t know. Pero for sure, now, ma-labong mangyari yun.
“Pero in the future if kami, kami, why not, di ba? If he falls in love with someone else, he falls in love with someone else.
“Same with me, ganu’n, di ba? I don’t know, it depends talaga kung ano mangyari,” aniya pa.
Samantala, marami ang na-curious sa tema at konsepto ng “Time & Again” nina Winwyn at Enzo directed by Joey Reyes under Regal Films. Tungkol ito sa isang babaeng hindi pa nagkakadyowa sa buong buhay niya hanggang sa makilala niya ang karakter ni Enzo na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.
Pero ang kakaiba rito ay ang “fantasy” element kung saan bibigyan ng chance si Winwyn na makabalik sa kanyang past para baguhin ang kanyang future. Showing na ito sa Feb. 20 nationwide.