NAPAPANAHON ang blind item na ito as campaign season already kicked off.
Tungkol ito sa isang sikat na babaeng personalidad (BP) na malaki ang naitulong sa kandidatura ng isang actor-turned-politician (ATP) na balitang na-link sa kanya many years ago.
Walang perang dapat pag-usapan kapalit ng campaign efforts ni BP, but the ATP’s live-in partner insisted na tumbasan ito ng materyal na bagay.
Nakakalula raw ang ibinigay ng ATP sa BP: kotse, bahay at franchise ng isang food chain (although ia-assume na lang ng BP ang buwanang hulog dahil bayad na ‘yon sa loob nang isang taon).
Two months later, naibenta raw ng BP ang kotse. Ilang buwan pa, sumunod naman ang bahay. At ang huli’y ang prangkisa ng kainan. In short, unti-unti raw nalusaw na parang sorbetes na nakabilad sa araw ang mga ganansiyang napasakamay ng BP.
Don’t tell us na hindi n’yo pa mahulaan kung sinechiwa ang BP, bigay na bigay na ‘yon, ha?