IYAK nang iyak ang Kapuso hunk na si Juancho Trivino nang sorpresahin siya ni Joyce Pring nitong nakaraang Valentine’s day.
Hindi inasahan ng binata na siya ang bibigyan ng “hearts day surprise” ng babaeng nililigawan niya.
Naging close ang dalawa nang magkasama sa morning show ng GMA na Unang Hirit kaya nabuo ang tambalan nilang “JuanChoyce” hanggang sa ligawan na ni Juancho ang dalaga.
Narito ang kabuuang Instagram post ni Joyce tungkol sa emosyonal na reaksyon ni Juancho sa kanyang Valentine gift, “Hindi ko din alam bat sya iyak ng iyak.
Everyday may surprises sa kin si Juancho. Minsan small surprises na dadalhan nya ako ng food, or magpapa deliver sya ng coffee sa trabaho ko, or kahit simpleng tatawag lang just to check up on me and how my day is going.
“Minsan meron syang grand gestures (mejo naloloka na ako as many of you know) pero syempre kinikilig ako because I really appreciate all his efforts.
“This week will be the longest amount of time we’ll be spending apart. Since December last year (?) we’ve basically been inseparable, what with every morning spent in @unanghirit together.
“O kaya we hang with my friends pag walang work; sometimes we have shoots and shows together, then on weekends we spend time with his friends/fam then church on Sundays. So finally I decided to get even and surprise him too.
“Sabi ko birthday ni @charismalico so we’ll be with my friends the whole day and pagbalik ko nalang kami next week may bonding.
“Pero nung pag sundo nya sakin may setup na ako and I also arranged for us to have dinner. I also made a video of the first few weeks we spent together and played it for him. He cried even more.
“Sobrang simple lang cos first time ko din mag effort like this for Vday. hahahaha but I hope I made him happy. Hindi ko sure kasi umiyak lang sya for mga 2 hours. Hahahahaha. happy heart’s day @juanchotrivino! Wait for me.”
Samantala, bago pa mag-Feb. 14 ay sinorpresa na ni Juancho si Joyce sa Sonya’s Garden, Tagaytay. Aniya sa kanyang IG post, “Panliligaw 101 Valentines Special. So ito yung story behind this naman, since Joyce will not be here for Valentines Day I decided to surprise her in advance.
“Sinabi ko sa kanya na may lakad ako kaya hindi ko sila masasamahan ng friends nya sa Anilao. Pero ang hindi niya alam ka-kunchaba ko na ang mga kaibigan niya, na pag pabalik na silang Manila, dadaan muna sila ng Tagaytay sa @sonyasgarden and I’ll be waiting for her there na may set-up na ganito.
“It worked perfectlym Mission Accomplished and sana napasaya ko naman siya.”
Ayon kay Juancho nanliligaw pa rin siya kay Joyce pero naniniwala ang kanilang fans and followers na meron na silang relasyon base na rin sa kanilang mga sweet IG photos at sa effort na ginagawa nila para mapaligaya ang isa’t isa.