Pakiusap ng AlDub fans kay Maine: Aminin mo na, kayo na ba ni Arjo?


WHEN Maine Mendoza reacted on a photo shared by Ciara Sotto on her Instagram account and said, “Happy Valentine’s sa inyo, ate!” ay sumagot si Ciara.

“HAHAHAHA!!! Happy Hearts Day to you, Babygirl!!! #answered prayers natin,” came Ciara’s reply.

Some took it to mean na official na ang pagiging magdyowa nina Maine at Arjo Atayde. People were quick to judge and they thought na talagang nasa boyfriend-girlfriend stage na ang dalawa.

With that, na-bash nang husto si Maine, at maging si Ciara.

Ang daming nag-react sa post na ‘yun ni Ciara sa kanyang IG account. Some were asking her to explain her hashtag since marami ang naniwalang in-out niya ang pagiging magdyowa nina Maine at Arjo.

“May news na ikaw na mismo ang nag-confirm na parehas kayo ni @mainedcm na happy puso ngayong Valentine’s Day. Malamang sa alamang to make the story short si @arjoatayde ang tinutukoy sa post. Ano bang masasabi mo doon @pinaypole.”

“Miss Ciara sana po linawin nyo yung hashtag nyo na answered na prayers natin kasi po pinagfiestahan na naman ng mga bashers sa social media sana po pakilinaw, ayan bash na naman si Maine.”

“Di ko magets bat bina bash nyo si Maine. Ano ba mali nya kung sila ni Arjo ano ngaun? Dyos ko gusto ko si Alden (Richards) kay Maine pero gusto ko rin si Arjo para kay Maine. Point is kahit sino basta masaya si Maine dun tau dapat d ba pwede ganun? Napaka unfair kung ipagpilitan natin ang AlDub.”

“Maine nagkakagulo na naman ng dahil sa moodcake o photoshoot kagabi. Maine sana magsalita ka na on national TV or sa social media para malaman kung ano na talaga ang totoo sa inyo ni Arjo masyadu ng magulo cguro kaylangan mo na rin magsalita. Please lang Maine sabi mo nga nagpapakatotoo ka.”

Why can’t they accept the fact na si Arjo ang nagpapasaya kay Maine ngayon? Bakit hindi nila sisihin si Alden Something who didn’t do anything romantic para kay Maine. It is obvious naman kasi na ang pagpapakilig ni Alden kay Maine ay isang fake act lang. Wala naman siyang gusto kay Maine.

Read more...