Pasasalamat ni Imee kay Digong

OPISYAL nang nagsimula noong Pebrero 12 ang kampanya para sa mga kandidatong tumatakbong senador sa paparating na eleksiyon sa Mayo at kasabay nito ang pag-endorso ni Pangulong Duterte sa ilang senatorial bets.

Kabilang si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa mga sinusuportahang kandidato ni Digong. Personal na pinili ni Digong si Imee at 10 iba pang kumakandidato sa pagkasenador.

Dahil sa nakuhang basbas ni Imee mula sa pangulo, lalo pang tumibay ang laban ni Imee.

Sa kanyang pag-endorso kay Imee, inilarawan ni Duterte si Marcos bilang isang opisyal ng gobyerno na puno ng karanasan.

Kasama rin si Imee sa mga kandidato ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa ilalim ng kanyang partidong Hugpong ng Pagbabago.

Malaking bagay ang ibinigay na basbas ni Digong kay Marcos para sa kanyang senatorial bid sa harap naman ng kaliwa’t kanang paninira kay Marcos ng mga makakaliwang grupo at dilawan.

Sa pagpasok ng campaign period, lalo pang naging matindi ang pagbanat kay Imee. Naging personal ang ginawang pag-atake ng mga kritiko ng mga Marcos, partikular ng mga dilawan at mga makakaliwang grupo.

Sa kabila naman nito, tila hindi umuubra ang mga paninira kay Imee. Patuloy pa rin ang suporta ng taongbayan kay Imee at inaasahang magiging bahagi ito ng Senado sa pagpasok ng 18th Congress.

Sa inilabas na pinakahuling survey ng Pulse Asia noong Biyernes, pumasok na naman si Imee sa Magic 12.
Kabilang si Imee sa limang babaeng kandidato sa pagkasenador na nangunguna sa senatorial race, kasama sina Sen. Grace Poe, Sen. Cynthia Villar, dating senador Pia Cayetano at Sen. Nancy Binay.

Isinusulong ni Imee na bumoto ng mga babaeng mambabatas, hindi lamang sa Senado kundi pati na rin sa Kamara.

Target ni Imee na magkaroon ng representasyon o boses ang mga kababaihan sa Kongreso na siyang magsusulong ng kanilang interes sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas.

Mukhang maisasakatuparan ni Imee ang kanyang mga pangarap na maisulong ang interes ng mga kababaihan sa Senado lalo na ngayon na hindi lamang si Sara ang nagbigay sa kanya ng basbas kundi pati na mismo si Digong.

Sabi nga ni Imee kay Digong… “Daghang Salamat Mr. President!”

Read more...