Boobay vs Tekla sa Freddie Mercury showdown ng TBATS


TULUY-TULOY pa rin ang pagpapasabog ng good vibes at katatawanan ng laging trending at top-rating weekly comedy show ng GMA 7, ang The Boobay And Tekla Show.

Walang duda na patuloy na minamahal ng mga televiewers ang tambalan sa TV ng Kapuso comic duo na sina Boobay at Tekla dahil sa mga nakakaloka at nakakasorpresa nilang pasabog tuwing Linggo ng gabi sa TBATS.

Ngayong gabi, bago kayo matulog, makipaghalakhakan muna kina Boobay at Tekla na haharap muli sa matinding challenge – magpapatalbugan sila sa panggagaya sa international music icon na si Freddie Mercury bilang tribute sa Queen. For the first time on TV, dalawang Freddie Mercury ang magsi-showdown – in full costume pa yan, ha!

Sa man-on-the-street interview segment naman, aalamin ng TBATS kung gaano kagaling ang mga Pinoy pagdating sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid tulad ng bagua, almerez at stethoscope. Tatanungin din nila ang ilang pedestrian kung kilala nila ang isang bayani at isang sikat na character actress. Pumasa kaya sila sa pagsubok?

Sa segment naman na “Pranking In Tandem,” Kris Bernal and funny girl Chariz Solomon connive with Boobay and Tekla to pull a prank on Kris’ personal assistant.

Siguradong maloloka rin kayo sa “The Dakma Quiz” ng TBATS kung saan kailangan nilang mahulaan ang mga mystery item na ipadadakma sa kanila bago sagutin ang isang tanong kapalit ng cash prizes.

Finally, Boobay and Tekla will continue to read letters sent from all over the world in the uber hilarious “Dear Boobay and Tekla.”

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, napapanood ang The Boobay And Tekla Show tuwing Linggo ng gabi after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7 lang.

Read more...