Kris Bernal feel na feel ang pagiging nanay


PINURI ng manonood at mga netizens ang mga eksena ni Kris Bernal bilang si Rachel sa mga nakaraang episode ng GMA Afternoon Prime series na Asawa Ko, Karibal Ko, lalo na nang malaman niyang anak nga niya si Nicole/Belle.

Nabuking na nga ang lihim ni Venus (Thea Tolentino) matapos lumabas ang resulta ng DNA test nina Rachel at Nicole sa tulong na rin ni David (Juancho Trivino).

Komento ng ilan sa mga sumusubaybay sa AKKK, para talagang nanay na si Kris dahil ramdam na ramdam nila ang sakit na napi-feel nito bilang inang nawalan at inagawan ng anak.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, paninindigan pa rin ni Venus na hindi si Rachel ang anak ni Belle at gagawin niya ang lahat para mabulok ito sa kulungan matapos tangkaing kidnapin ang bata.

Ano naman kaya ang gagawin ni Gavin (Rayver Cruz) para matulungan si Rachel na makuha uli ang kanyang anak?

Patuloy na tutukan ang Asawa Ko, Karibal Ko tuwing hapon pagkatapos ng Eat Bulaga, sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.

Read more...