Nanay ng sikat na male celebirty P1.5M ang singil para sa 3 kanta sa kampanya


MASAYANG-MASAYANG tumawag ang isang female personality sa kanyang kaibigang businesswoman.

Marami kasing kaibigang pulitiko ang kanyang tinawagan.

Iniaalok ng female personality ang kanyang anak para sa kampanya. Kung may magtatanong daw sana sa kanyang kaibigan ay ang anak na niya ang irekomenda nito.

Okey, sabi naman ng kanyang kausap, walang problema. Pero nu’ng tanungin na ng kaibigan niya ang presyo para sa bawat entablado ng kanyang anak ay malapit nang bumagsak sa silya ang kanyang kausap sa kabilang line.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ang presyong ibinigay niya sa friend niya, 1.5 million! At para sa tatlong song numbers lang daw ‘yun!

“Kasado na ang tatlong kanta, wala na raw hihirit pa, dahil ang presyong ibinigay niya sa kaibigan niya, e, pangtatlong kanta lang talaga!

“Naisip ng kaibigan ng female personality, sa presyong ibinigay niya, e, makakakuha na ang mga pulitiko ng sampung performers! Sampu ang katapat ng isa lang, di ba naman?

“Ibinebenta niya ang anak niya para sa kampanya, pero ang presyo naman, e, hindi pang-campaign kundi pang-concert na! Kung ganu’n nga ang presyo niya sa kampanya, magkano na siya kapag full concert ang gagawin niya?

“Baka five million pesos na ang sinisingil niya kapag concert na ang usapan, kinakabog pa niya ang totoong mga concert artists, di ba naman?” namamanghang unang chika ng aming source.

Pansamantalang nahinto ang pagko-concert sa probinsiya ng male personality dahil hindi kumikita ang mga prodyuser. Sobrang taas ng kanyang talent fee, kaya natural lang na itaas din ng mga promoters ang presyo ng ticket sa concert ng male personality, du’n nagkakaroon ng problema.

“Okey lang ang venue, marami rin namang nanonood, pero hindi pa rin bawi ang puhunan ng mga producers dahil sa taas ng presyo ng talent fee niya!

“Sunud-sunod na pagkalugi ang nangyari sa mga prodoo, kumalat ‘yung kuwento, kaya wala siyang gaanong provincial concert ngayon.

“Grabe naman kasi ang presyo niya! Kampanya lang, 1.5 million na? Sino namang pulitiko ang kukuha sa kanya? Kung meron man, e, paldu-paldo siguro ang kadatungan ng politician na kukuha sa kanya para sa tatlong kanta lang!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Kuha n’yo na kung sino ang mag-inang ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio?

Read more...