2019 V-Day ganap ng mga sikat


Matteo kay Sarah: I love you forever!

Angel ibinuking ang BF, umiiyak sa ‘sad movies’

NAGKALAT ang mga paandar at kakaibang eksena ng ilang celebrity lovers last Valentine’s Day na proud nilang inilantad sa kani-kanilang social media accounts.
Sinorpresa ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes kahit loaded sa negosyo niyang flower shop.

Binihisan ni Yan ang buong bahay nila base sa post ni Dong sa kanyang Instagram na ikinagulat niya nang umuwi.

Siyempre, kapiling naman ni Angel Locsin ang businessman boyfriend na si Neil Arce. Pinusuan ng mga netizens ang photo nilang magkasama na bumandera sa IG ni Gel.

Caption ng aktres, “Happy Valentine’s Day to my tough and manly man who still sometimes cries at sad movies I love everything about you.”
Naglaan naman ng oras si Sarah Geronimo para magkasama sila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli sa

Hearts Day.

“I love you forever! Happy Valentines!!! You are the most beautiful, magical human being ever!” caption ni Matteo sa IG photo nila ni SG.

Tinapos muna ni Xian Lim ang shooting ng Cinemalaya movie niyang “Tabon” at saka nag-celebrate ng V-Day kasama ang girlfriend na si Kim Chiu. Sa bahay ng aktres ang venue ng kanilang selebrasyon at ang sister niya ang nagluto ng food.

Throwback photo naman ng lambingan nila ni Luis Manzano ang ibinahagi ni Jessy Mendiola sa IG.

“It’s always nice to look back and see how we’ve come. What we have isn’t a fairy tale and I’m not gonna say it’s all rainbows and flowers – but our relationship s beautiful all the same. Sabay-sabay tayong maging masaya sa araw ng mga puso guys,” saad ni Jessy.

Si Alden Richards naman ay sa Iceland nag-celebrate ng V-Day. Kasama niya ang Vice President for Creative ng Eat Bulaga na si Jenny Ferre.

Base sa IG post ng Pambansang Bae nasuwertihan niya ang paglabas ng sikat na attraction na Aurora Borealis na ayon sa paniwala eh may dalang blessings mula sa Diyos.

Kung sobrang na-enjoy ni Alden ang V-Day sa Iceland wala namang post si Maine Mendoza sa ganap sa kanya nu’ng Araw ng mga Puso, huh!

q q q

Bagong ganap at katatawanan ang hatid ngayong Sunday nina Boobay at Tekla sa comedy show nilang The Boobay And Tekla Show.

Ang isang pasabog ng dalawang komedyante ay tribute nila sa rock band vocalist ng Queen, si Freddie Mercury. Ang twist ay dalawa silang mag-aala-Mercury in full costume.

Paglalaruan naman nila sa “Pranking in Tandem” ang personal assistant ni Kris Bernal kasama mismo ang Asawa Ko, Karibal Ko star at si Chariz Solomon. Magbabasa rin sila ng letters from their viewers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Isa ang comedy program nina Boobay at Tekla sa humahataw sa ratings sa mga bagong show ng Kapuso Network na nagsimula nitong January at February.

Read more...