Shabu inipit sa Valentine’s bouquet

ARESTADO ang isang lalaki’t babae nang makuhaan ng shabu na inipit sa bouquet ng bulaklak, sa buy-bust operation na isinagawa sa Bacoor City, Cavite, nitong nakaraang Valentine’s Day.

Nadakip sina Jayson Jordan dela Cruz alyas “Papa G,” 27, ng Brgy. Molino 3, at Mary Isabelle Gahisan alyas “Mabel,” 22, na mula pa sa Tondo, Manila, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.

Isinagawa ng lokal na pulisya at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon sa Marcos Alvarez road Brgy. Molino 2, dakong alas-5 ng hapon.

Sa buy-bust, nakumpiska kay Dela Cruz ang isang sachet na may P5,576 halaga ng shabu na nakaipit sa flower bouquet at ang P1,000 marked money.

Nang kapkapan, nakuhaan naman si Gahisan ng coin purse kung saan nakalagay ang tatlo pang sachet ng shabu na aabot sa P82,824 ang halaga, at isang timbangan.

Ikinasa ang operasyon dahil sa reklamo ng isang residente tungkol sa bentahan ng iligal na droga sa barangay.

Read more...