Isinapubliko ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa tweet ang mga pangalan ng mga senadotrial bets.
Kabilang sa mga umano’y sangkot sa illegal campaign posters ay si Senator Aquilino “Koko” Pimentel, presidente ng PDP-Laban at kabilang sa 11 kandidato na inendorso ni Pangulong Duterte.
“I have very few posters. Hence, most unlikely yan,” sabi ni Pimentel.
Sinabi naman ni Senator Nancy Binay na nagulat siya nang marinig ang balita.
“Medyo nagulat din ako sa balita tungkol dun sa illegal posters daw. I’m not sure where the reports are coming from, but as far as I’m concerned, wala pa kaming tarps o kahit posters na inilalabas,” sabi ni Binay.
“I find it very offensive that I’m being tagged as a violator sa mga campaign materials,” ayon pa kay Binay.
Kinuwestiyon din ni Binay kung bakit hindi nakasama sa listahan ang mga kandidato na kalat ang mukha sa buong bansa.
“In fact, I have no tarpaulins. I only have one billboard na di pa ako nagpagawa pero dahil sa pakiusap ko, tinanggal na ang billboard before the deadline,” ayon pa kay Binay.
Pumalag din si Teddy Casiño, campaign manager ni Neri Colmenares, sa listahan ng Comelec.
“Our instructions were clear to our supporters: post only in designated poster areas. Given Neri’s limited resources, it is to his interest that posters be confined to poster areas as we can’t afford a poster war,” sabi ni Casiño.