Hospital exec patay sa ambush

NASAWI ang doktor na mataas na opisyal ng bagong tayong ospital sa Bay, Laguna, nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa tapat ng naturang pagamutan, Huwebes ng hapon.

Ikinasawi ni Dr. Roderick Mujer, vice president ng Global Care Medical Center (GCMC), ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Laguna provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-5, sa bahagi ng highway na nasa tapat lang ng GCMC, sa Brgy. Maitim.

Minamaneho ng 42-anyos na si Mujer ang kanyang Ford Explorer (WIZ-467) palabas ng GCMC, nang lapitan at pagbabarilin ng isang lalaking naka-helmet, ayon sa ulat.

Itinakbo pa ang biktima sa Health Serve Medical Hospital, pero idineklarang patay ng doktor alas-9:13.

Natagpuan sa crime scene ang pitong basyo ng kalibre-.45 pistola.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin, na sinasabing tumakas patungo sa direksyon ng bayan ng Sta. Cruz.

Read more...