TINATAYANG kalahating milyong pisong halaga ng mga baril at bala ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Pasay City noong Miyerkules.
Sa isang pahayag, sinabi ng BOC kabilang sa mga nakumpiska ang walong pistola, 20 ammunition magazine at 226 bullets bala sa isinagawang operasyon.
Kabilang sa mga nakumpiska ang isang Glock 19 at isang Heckler & Koch P2000 V3.
Idinagdag ng BOC na natagpuan ang mga baril at bala sa dalawang package na papunta sanang Taiwan na idineklarang “Solar Panel” at “Tool Cart.”
Nadiskubre ang mga kontrabando matapos dumaaan ang mga ito sa X-ray.
MOST READ
LATEST STORIES