Nurses pinag-iingat sa illegal recruitment sa Germany

NAGPAALALA ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Filipino nurse na naghahanap ng trabaho laban sa illegal recruitment sa Germany sa ilalim ng Triple Win Project.

Nakarating sa POEA ang ulat tungkol sa isang website na ginagamit ng mga illegal recruiters na nangangako ng trabaho para sa mga nurse sa nasabing bansa.

Pinaalalahanan ang mga naghahanap ng trabaho na huwag i-sumite online ang kanilang aplikasyon, gayundin ang kanilang personal na impormasyon, at sa halip isumite ang kanilang dokumento sa Manpower Registry Division ng POEA.

Ang Triple Win Project ay magkasamang inisyatibo sa pagitan ng Pilipinas at Germany upang tulungan ang mga kwalipikadong nurse sa bansa na magtrabaho sa Germany.

Ang buong proseso ng pagre-recruit at pagde-deploy dito sa Pilipinas ay pinangangasiwaan lamang ng POEA at walang ibang taga-labas na ahensiya ang awtorisadong gumawa nito.

Hinihikayat ng POEA ang lahat ng aplikante na maging mapagbantay laban sa mga illegal recruiter at itawag ang anumang kahina-hinalang gawain ng mga illegal recruiter sa POEA Anti-Illegal Recruitment Branch sa 722-11-92 o sa POEA Hotline numbers 722-11-44 o 722-11-55.

END/POEA/gmea

POEA Administrator Bernard Olalia
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
Seen by Liza Soriano at 2:15 PM

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...