Maraming naaliw sa guesting ni Lani Misalucha kamakailan sa Tonight With Boy Abunda, lalo na nang sagutin niya ang tanong ng dalawa niyang kaibigan na sina Regine Velasquez at Jaya.
Sa isang segment ng programa ay ipinakita ang video ng Asia’s Songbird, ng Queen of Soul at ni Concert King Martin Nievera kung saan binigyan sila ng chance na tanungin ang asia’s Nightingale.
Tanong ni Regine, “Mareng Lani, alam ko naman na love na love mo ako, pero mayroon ba akong isang ugali na ayaw mo?”
Diretsong tugon ni Lani, “Ay naku! Hindi ba nga mayroon siyang acid reflux. Pagkatapos ang tindi niya pa kumain ng chicharon at sinasawsaw sa suka.
“Sabi ko, ‘Paano ba ‘yan? Alam mo ang sakit mo na, tapos ayan pa.’ Isawsaw niya sa suka tapos hihigupin niya ‘yung suka. Sabi ko papaano yan?’ Hindi ba? Matigas ang ulo,” pahayag pa ng singer.
Ito naman ang question ni Jaya, “What song of mine na sa tingin mo ay mas maganda ang version mo?”
“Siguro hindi ko masasabi na mas maganda ang gagawin kong version, pero siguro gagawin ko na lang na version ko,” sagot ni Lani saka kinanta ang hit song ni Jaya na “Wala Na Bang Pag-Ibig?”
Ang tanong naman ni Martin, “Lani, in the universe where you did not end up with Noli, who among the male artistas do you think you would have ended with?”
“Puwedeng marami. Papa P (Piolo Pascual), Derek Ramsay. Tapos ‘yung dating alam ko, si Miguel Rodriguez.”