Dyowa o kaibigan ba ang gusto?

DEAR Ateng Beth,

Magandang araw. May girlfirend po ako. Bago lang kami, pero matagal na kaming magkaklase at magkaibigan.

Nagtataka lang ako kung bakit kailan kami naging mag-on ay parang tumabang yung pagiging magkarelasyon namin? Hindi naman kami dati nag-aaway. Puro lokohan at biruan kami nung friends lang kami.

Walang away, walang selosan. Bakit napaka sensitive yata niya ngayon. Lahat na lang nang ginagawa ko parang mali. Kaya madalas kaming mag-away.

Iniisip ko nga baka mas mabuting magkaibigan na lang kami kesa sa sitwasyon namin ngayon.

Ang kaso pag nag break kami maging friends pa kaya uli kami gaya nang dati?

Ramir, Cagayan de Oro City

 

Hello, Ramir!

So bago lang pala kayo, pero hindi mo naman siya matanong kung bakit siya nagbago na.

Naisip mo na ba yung mga dati mo pang ginagawa sa kanya nung magbarkada pa lang kayo?

Natanong mo ba ang sarili mo kung mas gentleman ka ba ngayon kesa noong magbarkada kayo?

Mas considerate ka ba sa feelings at pagkababae niya ngayong girlfriend mo na siya kesa nung mag dabarkads pa lang kayo?

Kailan ka mas magalang, mapagmahal at maalalahanin sa kanya, noon o ngayon?

Kailan tumigil yung lokohan at biruan ninyo? Kailan ka tumigil makipagbiruan at makipagtawanan sa kanya? Siya ba ang nagi-ging sensitive o ikaw ang tumigil ng pagpapakita ng pagmamahal at pagiging maalalalahanin sa kanya?

Syempre noon walang away at selosan! Ano naman kasi ang karapatan niyang magselos kung nakikipagharutan ka sa ibang babae?

Bakit ka naman niya aawayin noon kung nakikipag-landian ka sa iba? Ang tanong kung nagseselos siya ngayon, may dapat ba syang pagselosan? Inaalam mo ba ang dahilan ng kanyang selos at pang- aaway sa iyo?

Baka nga mas mabuting maging magkaibigan na lang kayo dahil tumigil ka na ring maging mabuting kaibigan nya? Baka nalimutan mo na syang suyuin at ligawan dahil lang girlfriend mo na siya.

Syempre pag nag break kayo, bakit ka pa niya magiging kaibigan?

Nung magkaibigan kayo, dyinowa mo sya tapos ngayong mag dyowa kayo gusto mo magbarada na naman kayo? Ano ba talaga gusto mo, kuya?

Pwede ayusin mo muna utak mo, dyowa o kaibigan ba hanap mo?

Kainis ka ha!

Read more...