Daniel: Alam n’yo ang pag-ibig masaya kapag bago pa…


DANIEL Padilla was asked in an interview kung natsa-challenge siyang mag-isip ng Valentine date paandar para sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.

“Hindi ko napapansin malapit na pala. Tatanungin ko siyempre yung date ko si Kathryn kung ano bang gusto niyang gawin and hihingi kami ng isang araw or isang weekend na wala kaming gagawin. Kung anong trip niya du’n kami,” sabi ni DJ sa interview ng isang entertainment portal.

Para sa kanya, ano ang most memorable date nila ni Kathryn? “Siguro yung mga una naming date. Siyempre yun yung time na kilig ka pa eh. Ganu’n pa rin naman pero iba yung bago.

“Alam mo ang pag-ibig masaya pag bago pa. Pag medyo mahaba na nandun na yung mga problema pero at the same time nandu’n din yung paraan kung paano maaayos.

“Yung malagpasan yung mga problema niyo, mas lalo kayong magiging tight at mamahalin ang isa’t isa,” he said.

Read more...