Ai Ai asar-talo sa bashers nila ni Gerald: Ang bobong comment, isip kayo ng bago!
ASAR-TALO si Ai Ai delas Alas sa pambubuska ng isang fan na nag-react sa kanyang caption sa photo nila ni Gerald Sibayan.
“Happy 58 monthsary my darling. Salamat sa iyong pagmamahal labyu so much! (try naten mag papictorial minsan. Hehehehe) Dun sa mga bashers na nagco comment ng anak ko si Gerald jusko mag move on na. Mag isip naman kayo ng ibang bash ang lumaaaaaaaa!!!
“ANG BOBONG COMMENT — isip naman ng bago. Millenial na o sumabay naman kayo sa bago! Anyways HAPPY MONTHSARY NAK! Ay KUYA PALA! HEHEHE @gerald_sibayan.”
That was Ai Ai’s caption to which one basher reacted and said, “Ang pogi ng anak mo.”
“Ang aga aga paulit ulit. Mag basa ka muna ng caption o,” Ai Ai wailed back at the basher.
Nag-react din si Gerald and said, “Ay asawa po niya ako wala po ba kayong TV or newspaper? Kinasal na po kami Dec last year po. May cellphone naman po pala kayo mag-Google po kayo. 5years na din po kami nagsasama,” Gerald said.
To complete the family reaction ay nagpatutsada din ang anak ni Ai Ai na si Sophia who said, “Congratulaitons! You just posted the stupidest comment on this post. Hahahahaha #tanga.”
Ang daming kumampi kay Ai Ai based on the comments on her IG account.
“Inggit lang yun cla sa inyo my idol @msaiaidelasalas wag nio na cla pansinin deadma na lang mga walang magawa sa life nila.”
“Kami po 19 years age gap but it doesn’t matter as long as you love each other. Bashers go away.”
“Relate much ako jan miss Ai. Mga bashers na akala mo sila nagpapakain sa iyo kung makialam sa buhay mo.”
But this one is really nakakaloka: “If bashers keep commenting that Ai Ai’s husband can be her kid, then why don’t they do the same thing about Vic Sotto’s wife where the age gap is even bigger?”
q q q
LAUGH nang laugh ang netizens over reports na tinatalo na sa ratings ang show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice.
Sino raw ang tumalo? ‘Yung walang masyadong nanonood na palabas nina Tekla and Boobay? Talaga lang, ha. Tinatawanan lang ng netizens ang claim na ito. For them, hindi ito believable.
“Nagpapatawa GMA tingnan mo sa YouTube kung sino ang maraming nanonood. NAKO ang layo layo ni VICE sa kanila. Hindi nga makaabot ng 100k nanonood sa YouTube samantala yung kay Vice isang milyon!”
“Lagi naman ganyan sa GMA lagi sila panalo sa rating pero sikat at nasa mga commercial at pinipilahan sa sinehan puro mga kapamilya! Chop chop pa yang rating ng GMA Network people rating lng ung lumalabas wala ang NUTAM, metro manila, mega manila, urban luzon, at national ratings.”
“O tapos magbababye na lng yan sa ere. Yabang pa more. And pahiya forever.”
‘Yan ang aria ng netizens na hindi makapaniwala na tinalo na ang show ni Vice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.