Jak may V-day surprise kay Barbie: Pero secret muna | Bandera

Jak may V-day surprise kay Barbie: Pero secret muna

Jun Nardo - February 14, 2019 - 12:10 AM


MAS  masaya ang pagsasamang muli ngayon sa seryeng Kara Mia ng real and reel lovers na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

“Professional naman po kami. Basta trabaho, trabaho. Private ‘yung relasyon,” saad ni Jak sa presscon ng Kapuso series.

Tapos na ang ilangan moments na makita ng publiko ang relasyon nila ni Barbie.

“Mas relax na ngayon. Dati hindi ko siya mahawakan sa kamay, sa mukha. Pero ngayon nagwu-work na kilala na namin ang isa’t isa,” saad pa ng Kapuso actor.

Dati ay nagtatago pa sila sa publiko. May ibang kapareha kasi noon si Barbie at gayundin siya. Hanggang crush lang siya kaya hindi niya akalaing magkakaroon sila ng relasyon.

Pero bago ligawan si Barbie, una niyang naging close ang parents ng girlfriend.

“Hindi naman sa niligawan ang parents. Nagkataon na may pet ako, tapos sila rin may alaga. Si Tita (mommy ni Barbie), mine-message ako, tapos yun nagkukuwentuhan kami about sa nga pet namin,” saad niya.

Ano ang plano nila ni Barbie ngayong Valentine’s Day? “Meron pero ayoko munang malaman niya. Nilalaro ko pa ngayon na wala akong surprise. Hindi muna natin ise-celebrate pero actually meron. Ha-hahaha! Ayan hindi na masyadong surprise,” pahayag ni Jak.

Sa Feb. 18 na mapapanood ang Kara Mia at kasama rin nila sa serye sina Carmina Villaroel, John Estrada, Mika dela Cruz, Glydel Mercado, Paul Salas at marami pang iba, directed by Dominic Zapata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending