MARAMING kilay ang nagtaasan nang sentruhan ng biyaya ng isang malaking network ang isang kilalang male personality. Isa lang ang tanungan ng lahat—bakit?
Bukod kasi sa napasama sa isang pamosong grupo ang aktor ay nagkaroon pa siya ng sariling programa. Tanong na naman ng lahat—bakit?
Kuwento ng aming source, “At least, nagkaroon siya ng sarili niyang moment nu’ng mga panahong ‘yun!
Talagang ginastusan siya ng network, binadyetan ang isang reality show na siya ang host, ‘yun ang height ng popularity niya.
“Kasi nga, ang kuwento-kuwento nu’n, e, siya ang flavor of the month ng isang gay executive, talagang nakukuha niya ang gusto niya, kesehodang mas marami namang mas deserving kesa sa kanya.
‘‘‘Yun ang time na important star talaga ang dating ng male personality, pinagkakaguluhan siya dahil malakas ang promo ng show niya, isinali pa siya sa grupo ng mga hunk actors na panalung-panalo nu’ng mga panahong ‘yun!” pag-alala ng chikadora naming source.
Pero nagbabago ang panahon, pati ang mga artista, may mga nagdadatingang mas bata at mas guwapo, sila na ang bagong tinitilian, kaya tabi-tabi na muna ang mga datihan.
Balik-kuwento ng aming source, “Nu’n na kumulimlim ang career ni ____ (pangalan ng hunk actor), nagbabu ang kanyang reality show, nabuwag ang grupo nila ng mga hunky-hunky niyang kasamahan, biglang waley na siyang career.
“Kasi nga, e, may bago ng flavor of the season ang gay executive na backer niya, naagaw na sa kanya ang trono, kaya balik siya sa pasingit-singit na lang sa mga serye.
“Nandito pa rin siya, umaarte pa rin, pero ibang-iba na ang datingan niya ngayon. Hindi naman siya namamalimos, pero nakikiusap siyang magkaroon ng trabaho sa mga kakilala niya sa iba’t ibang production.
“Puro kontrabida na ang naibibigay na role sa kanya ngayon, hindi tulad nu’n na siya ang bumibida. Ganyan ang kapalaran ng mga artista, walang kasiguruhan.
“Look n’yo na lang ang kinahinatnan ng hunk actor na ito na ang apelyido, e, katunog ng isang sikat na banyagang tennis player.
“Getlak n’yo na kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?” pagtatapos ng aming impormante.