Kandidato napahiya sa libing | Bandera

Kandidato napahiya sa libing

Leifbilly Begas - February 13, 2019 - 12:10 AM

PARANG napahiya ang isang kongresista na tumatakbo sa ibang posisyon sa eleksyon sa Mayo.

Pumunta ang solon sa libing ng isa niyang sikat na constituents. Ang kanyang plano ay magsalita sa harap ng mga nakipaglibing para makumbinsi ang mga ito na siya ang iboto at suportahan sa halalan.

Mukhang pinaghandaan ng kongresista ang kanyang sasabihin para nga naman makumbinsi ang mga nakikinig.

May inihandang programa para hindi mag-unahan sa pagsasalita.

Kaya lang ng oras na ng kongresista para magsalita ay biglang sumigaw ang isa sa mga mahal sa buhay ng pumanaw.

Hayaan na daw magpahinga ang namayapa.

Mukhang paulit-ulit nang nagamit ang patay ng mga pulitiko at nagsawa na ang mga kamag-anak.

Alam naman kasi nila na ginagamit lang ang kanilang patay sa pulitika.

Napahiya ang solon na hindi alam ang magiging reaksyon. Lumabas na lang ng tent itong kongresista at nanahimik sa isang sulok.

Ang lakas ng loob nitong isang kandidato sa halalan na makipagpustahan kahit na siya ay nasa laylayan ng mga survey, meaning malayo siya sa mga posibleng manalo.

Hindi ko alam kung tiwala lang ba talaga siya na mananalo dahil itinaas ng Pangulo ang kanyang kamay o gusto lang niyang ipamukha sa kanyang mga kausap na marami siyang pera.

Hindi kotse o golf set ang kanyang pusta kundi eight-digit figure.
Kayo na ang mag-isip ng halaga basta walong numero at pito rito ang zero.

Ang balita ko ay 9-digit na ang ginagastos ng kandidato hindi pa man nagsisimula ang halalan.

Willing na willing siya na magtapon ng pera.

At ang nakakapagtaka ay parang mas marami pa ang kanyang ginastos kaysa sa idineklara niya sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth.

Tanong tuloy ng mga kasama niya, ‘Saan kaya ito kumukuha ng kuwarto?’ Talaga raw paldo itong si candidate.

Hirit naman ng isang miron, “Paano kaya niya babawiin ang kanyang ginastos kapag siya ay nanalo, eh tiyak na hindi niya narerekober ang kanyang mga nagastos kung sweldo lang ng kanyang tanggapan ang kanyang aasahan?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung mananalo man siya sa pustahan o kung talo na nga ay magbabayad pa siya ng pusta ay abangan na lang natin kapag natapos na ang bilangan at naiproklama na ang mga nanalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending