Lito bongga ang pagkamatay sa ‘Probinsyano’, Jhong susunod na


NAGSIMULA na kahapon ang unang sultada ng kampanya para sa mga pulitikong tumatakbo sa nasyonal na posisyon. Itiniyempo ‘yun sa “pagpatay” kay dating Senador Lito Lapid bilang si Pinuno sa matagumpay na seryeng Ang Probinsyano nu’ng Lunes nang gabi.

Binigyan ng produksiyon ng napakagandang pamamaalam ang action star, mahabang-mahaba ang kanyang mga eksena, hanggang sa mapatay na siya ay isang marespetong paglilibing pa rin ang ihinandog sa kanya sa ituktok ng burol.

Sa mga eksenang napanood namin ay parang totoong-totoong nalagasan nga ng miyembro ang grupong Vendetta. Natural ang kilos ng mga artista, umiiyak sila na parang hindi na nila makikita pa uli si Pinuno sa tanang buhay nila, pinagsunugan ng kilay ng direktor ang paglilibing kay Pinuno.

Namatay si Pinuno habang yakap-yakap si Angel Aquino, ang babaeng natutuhan niyang mahalin sa kasagsagan ng kanilang kilusan, tigmak sa luha ang eksenang ‘yun.

Ang pumatay kay Pinuno ay si Alakdan na ginagampanan ng magaling na dancer-actor na si Jhong Hilario ay magkakaroon din ng eksena ng pagkamatay sa darating na buwan.

Kailangan na rin itong mamatay dahil magsisimula na sa March 29 ang kampanya ng mga tatakbo sa lokal na posisyon. Siguradong magiging madugo ang pamamaalam ni Jhong Hilario sa matagumpay na serye.

Read more...