Lea nagbigay ng update matapos maaksidente


NAGPAPAGALING pa rin hanggang ngayon ang award-winning international singer na si Lea Salonga matapos maaksidente habang nasa ski trip sa Hokkaido, Japan last month.

Ibinalita ni Lea kamakailan na napuruhan ang buto sa kanyang lower leg nang maaksidente habang nagbabakasyon sila ng asawang si Robert Charles Chien sa Japan para sa kanilang wedding anniversary.

“I am taking a couple of extra items in my luggage namely a pair of crutches. I broke my leg on a slope. Clearly I have not earned the art of stopping. I crushed really hard and I broke my tibia,” mensahe ni Lea sa kanyang Instagram post.

Nitong nakaraang araw, nagbigay ng update ang singer-actress tungkol sa kanyang kundisyon matapos sumailalim sa therapy.

“My new brace. The hinges on either side of my knee will now allow my leg to bend for physical therapy. My doctor seems happy with my progress so onward and upward!

“It’s still a long way before I’m back to normal though, but every day means a step forward, never mind how slow things go,” aniya pa.

Read more...