Si Vice mayor may BF na may sabit na | Bandera

Si Vice mayor may BF na may sabit na

Den Macaranas |February 13,2019
facebook
share this

Si Vice mayor may BF na may sabit na

Den Macaranas - February 13, 2019 - 12:10 AM

USAP-usapan ngayon sa city hall ng isang kilalang lungsod sa bansa ang sinasabing relasyon ng isang babaeng elected official sa isang department head.

Single naman ang elected official pero ang mga nagiging karelasyon nya ay puro may pananagutan na.

Dati ay isang matikas na kagawad sa barangay ang boyfriend ni Madam

Patago ang kanilang relasyon hanggang sa madiskubre ito ng misis ni kagawad kaya bago pa man maging isang malaking isyu ay nagpasya ang dalawa na maghiwalay na.

Sumunod na naging karelasyon ni madam ay isang mataas na opisyal sa kanilang city hall pero may sabit na rin si sir.

Sinabi ng ilang malalapit na tsismosa sa lady official na mas natsa-challenge daw si madam kapag may sabit ang kanyang kasintahan.

Pero dahil nabuking ang kanilang bawal na pag-ibig ay naghiwalay rin ang dalawa kahit na sabihing nasaktan dito nang husto si madam.

At para maka move-on ika nga, hindi na pinahirapan ni madam ang panunuyo ng isang department head na mahusay sa “assessment”.

Sila ngayon ang laman ng tsismisan sa city hall dahil hindi na maitago ang extra sweetness nila sa isa’t isa.

Hwag lang sanang umabot sa puntong magkabistuhan dahil tiyak na may magwawalang misis sa city hall na tiyak na makakasira sa kandidatura ng bida sa ating kwento ngayong araw.

Ang bida sa ating kwento ngayong araw ay isang elected lady official at “number 2” sa kanilang city hall na mula sa isang sikat na lungsod sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siya ay si Miss M…as in Marupok.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending