JM mas gustong magtrabaho kesa maghanap ng ka-Valentine sa Feb. 14

By Ervin Santiago February 12,2019
share this

JM mas gustong magtrabaho kesa maghanap ng ka-Valentine sa Feb. 14

By Ervin Santiago February 12,2019
share this

JM DE GUZMAN

MAS gustong magtrabaho at mag-focus sa kanyang mga bagong proyekto si JM de Guzman kesa maghanap ng Valentine date sa Feb. 14.

Hindi man niya diretsong inamin, mukhang single uli ngayon ang Kapamilya singer-actor. Wala raw siyang ka-date sa Araw ng mga Puso at baka may trabaho rin daw siya sa Feb. 14.

Humarap sa ilang members ng entertainment media at bloggers si JM sa launching ng bago niyang endorsement, ang JM Shawarma.

“‘Yung mga blessings ngayon na binibigay sa akin, kailangan ko muna sigurong pagtuunan ng pansin. At maibigay ko yung 100% focus ko to reach my goals for my family, for myself. Yun muna siguro,” chika ni JM sabay biro na baka raw may pwedeng ireto sa kanya ang press.

Ibig sabihin nito, tuluyan na silang nagkanya-kanya ng landas ni Barbie Imperial, ang huling babaeng na-link sa kanya. Sa katunayan, iwas na iwas ang binata sa mga tanong tungkol sa dati niyang ka-loveteam. Huli silang nagsama sa seryeng Araw Gabi ng ABS-CBN last year.

Nang matanong kung pisible pa ba silang magkasama sa isang proyekto, ito ang tugon ng aktor, “So far, wala pa pong nababanggit sa akin. May sariling career path yata si Barbie and ako rin. Siguro in the future.”

Ibinalita rin ni JM na bukod sa bago niyang teleserye malapit na ring mapanood ng madlang pipol ang trailer ng bago niyang pelikula kasama si Arci Muñoz, ang “Last Fool Show”, “It’s a comedy rom-com. It’s a parody rom-com. It’s a movie within a movie, ganu’n.”

At in fairness, patok na patok ngayon ang version niya ng kantang “214” ng Rivermaya. Kuwento ni JM, medyo emosyonal ang naging proseso ng pagkanta niya sa “214” kasama ang Star Music producer na si Jonathan Manalo.

“Grabe yung process nu’n. ‘Yung una, sobrang emosyonal. Pinapakinggan ko lang sa headphones ng tatlong oras, palakad-lakad lang ako. Tapos tinext ko si Sir Jonathan, parang masyado siyang rough and emotional, tulungan mo ako para maging romcom siya or something. So inulit namin, tinipla namin nang maayos ‘yung emosyon,” lahad ni JM.

“Sobrang saya ‘ko, kasi kapag kinanta mo yung kanta na ‘yon, baka magalit ‘yung mga fanatics ng Rivermaya,” dagdag ni JM na umaming fan din ng nasabing banda.

Samantala, abot-langit naman ang pasalamat ni JM sa Barefruit Group of Companies na siyang nasa likod ng JM Shawarma dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang celebrity endorser ng kanilang produkto. Sa kabila kasi ng mga pinagdaanan niya sa buhay ay kinuha pa rin siyang endorser.

“Excited ako kasi sobrang sarap sa pakiramdam na mapagkatiwalaan na maging endorser ng isang product na talagang tinatangkilik ng mga kababayan natin.

“It’s a first for me in a long while, so nilu-look forward ko ang pagsasama namin at kung paano ako makakatulong sa JM Shawarma,” aniya pa.

Ayon naman kay Barefruit Group of Companies’ founder and chief financial officer Hannah Miranda-Mamon, “We believe na sa dami ng pinagdaanan ng JM Shawarma as a brand, we can relate to the story of JM de Guzman.

“Si JM himself ay marami ding pinagdaanan pero ngayon, he made a great comeback and that he never gave up,” aniya pa.

Nang matanong naman si JM kung ano ang ipatitikim niya kay Barbie sa mga produkto ng bago niyang endorsement, “Siyempre ipapatikim ko sa kanya ang all meat. Meat overload, ang pinakamasarap.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending