Action star napikon nang ma-blind item tungkol sa dyutay na kargada

By Cristy Fermin February 12,2019
share this

Action star napikon nang ma-blind item tungkol sa dyutay na kargada

By Cristy Fermin February 12,2019
share this

ISANG gabi ‘yun na walang magawa ang mga becki kaya umistasyon muna sila sa isang donut house para magchikahan.

Sa lugar na ‘yun binalikan ng grupo ang mga kakuwanan ng mga artista na ang ibang kuwento ay nakakainis at ang iba naman ay komedya ang dating.

Naalala ng isang nasa umpukan ang pagiging pikon ng isang male personality na ang tagal-tagal na sa showbiz ay kung bakit balat-sibuyas pa rin.

Komento ng becki, “Napakapikon ng lalaking ‘yun! Konting bagay lang, ikinapipikon na niya agad. Buti sana kung baguhan lang siyang artista, pero naman!

“Ang tagal-tagal na niyang artista, ang dami-dami na niyang nagawang pelikulang lundag siya nang lundag, paputok nang paputok ng baril at nakikipagbakbakan, pero hanggang ngayon, e, pikon pa rin siya!

“Nu’ng minsan, e, may nagsulat ng blind item tungkol sa isang kilalang male personality na walang maipagmamalaking kargada. Aba, agad na siyang nag-conclude na siya raw ang bumibida sa blind item!

“Hindi raw niya inaamin na duty free siya, ‘yun nga raw ang ikinaiinis niya! Bakit daw pinalalabas sa blind item na wala siyang maipagmamalaki, bakit, nakita na raw ba nu’ng reporter ang nota niya?

“Nakakaloka siya, pati ba naman blind item, e, pinapatulan niya? Di ba naman, sobrang pikon ng male personality na ‘yun?” unang chika ng aming source.

Sa isang presscon naman ay may nagtanong sa male personality kung ano ang kaibahan niya sa kanyang mga kaliga? May kaliitan kasi siya, samantalang ang mga kasabayan niya ay nagtatangkaran, ano raw ang masasabi niya tungkol du’n?

Patuloy ng aming impormante, “Ay, napikon na siya agad! Minamaliit daw ba siya ng reporter na nagtanong sa kanya? Hindi na niya sinagot ang question, nainis na siya agad, kaya nalukring ang mga nandu’n.

“Kasi nga, e, may kaliitan naman talaga siya, nakakapagtaka ngang napapatumba niya ang mga goons, samantalang kayang-kaya siyang ihagis ng mga ‘yun sa totoong buhay!

“Napapanood pa hanggang ngayon ang male personality na ‘yun sa mga serye, kaso nga lang, e, madalas naman siyang pinapatay lang nang ilang linggo.

“Junior na junior ang initials niya, sa totoo lang, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, gets n’yo na kung sino siya?” pagtatapos ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending