‘AngBeKi’ sabay-sabay nagpa-tattoo sa kamay

By Ervin Santiago February 12,2019
share this

‘AngBeKi’ sabay-sabay nagpa-tattoo sa kamay

By Ervin Santiago February 12,2019
share this

KIM CHIU, BELA PADILLA AT ANGELICA PANGANIBAN

NAGPA-TATTOO ang magkakaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu last Sunday.

Mas kilala sa tawag na “AngBeKi” (pinagsama-samang pangalan ng tatlong aktres), sabay-sabay silang nagpa-tattoo ng tila itim na tuldok sa kanilang kamay bilang tanda ng kanilang solid na pagkakaibigan.

Ipinost ni Kim sa kanyang Instagram account ang ilang litrato nila nina Angelica at Bela na kuha habang sila’y tinatatuan.

May caption itong, “Miss these 2! We may not see each other most of the time but we always have each others’ back! Lav yeah both! #AngBeKi rocks! Stronger than ever!”

Sa isang panayam, naikuwento ni Kim kung paano nabuo ang grupong AngBeKi, “Kami talaga ni Bela, may common friend kami. Tapos parang nag-gatecrash lang kami sa isang birthday party na nandoon si Angelica.”

“Hanggang sa inumaga na kami, nagkwentuhan na kami and everything. Hanggang sa lagi na kami nagsasama. Nagfa-funny-han naman kami sa isa’t isa, sa kalokohan ng isa’t isa,” aniya pa.

Sinisiguro ng tatlong Kapamilya stars na kahit super busy sila sa kanilang mga trabaho ay naglalaan talaga sila ng panahon para as isa’t isa. Pero kapag wala talagang oras, “Text text na lang muna kami.

Message message kami sa isa’t isa, ‘I’m gonna miss you both’, ‘yung mga ganyan,” kuwento ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending