Sey mo Goma, Marco umaming naging GF nga si Julianna
ANO kaya ang reaksyon ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa rebelasyon ni ex-PBB housemate Marco Galo tungkol sa naging relasyon niya kay Julianna Gomez? Si Julianna ang unica hija nina Mayor Goma at Cong. Lucy Torres.
Ibinandera kasi ni Marco na na-ging sila nga ni Julianna sa panayam sa kanya ng Asia’s King of Talk Boy Abunda sa late-evening talk show na Tonight with Boy Abunda.
Sayang lang dahil hindi kami nagkaroon ng chance na mainterbyu si Marco sa beauty pageant and coronation night ng 2019 Miss Mandaluyong na ginanap sa Mandaluyong City Hall last Saturday.
Isa si Marco sa mga umupo sa panel of judges during the coronation night kung saan nakasama niya rin bilang hurado ang team glam ni reigning Miss Universe Catriona Gray.
And speaking of Miss Mandaluyong, super bongga na naman ang ginanap na beauty pageant ng Tiger City, huh! Stage pa lang ay kita mo nang ginastusan talaga.
This year, sinimulan na nila ang paglagay sa competition ng Barangay Costume bilang version nila ng National Costume gaya sa Miss Universe. Si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang nakaisip nito.
Ang Miss Mandaluyong lang talaga ang napapanood namin na local beauty pageant na ang level ay pumapangalawa at very close sa presentation ng Binibining Pilipinas.
Kinoronahan bilang 2019 Miss Mandaluyong ang dating scholar sa isa sa mga proyekto on education ni dating Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos na si Abigail Pablo mula sa Brgy. Addition Hills.
Winner naman as first runner-up ang Ateneo graduate and Harvard University student na si Gianna Margarita Llanes mula sa Brgy. Barangka Ibaba, second runner-up naman si Casie Banks mula sa Brgy. Hulo, third runner-up si Maria Isabela Galeria ng Brgy. Plainview at fourth runner-up si Roxanne Alison Baeyeans ng Brgy. Hulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.