NAIINTINDIHAN ng Kapamilya hunk na si Marco Gumabao kung totoong nais munang ilayo sa mundo ng showbiz si Diego Loyzaga ng kanyang pamilya.
Isa si Diego sa mga malalapit na kaibigan ni Marco na nakasama rin niya sa unang bahagi ng seryeng Los Bastardos, kaya talagang ikinalungkot niya ang balitang nagtangka itong magpakamatay dahil sa depresyon.
“Wherever he is now or whatever is happening to him, kay Diego, I just want him to know na nandito kami, ‘yung mga kapatid niya sa Los Bastardos.
“We’re here to support him, we’re here to give him the love that he needs, kung kailangan niya kami, we’re just here, we’re just a text away,” ani Marco nang makausap namin sa nakaraang presscon ng di-gital movie nila ni Krystal Reyes na “Apple Of My Eye” na mapapanood sa Feb. 14 sa iWant.
“Kaibigan ko talaga si Diego even before. So, siyempre, when that happened to him, nakakalungkot, but also, I wanna give him space. Ayoko namang parang maging kaibigan na ‘uy, ano’ng nangyari sa ‘yo?’ Baka magmukhang tsismoso pa ako, ‘di ba?” chika pa ng hunk actor.
Kung matatandaan noong Nobyembre ay napabalitang nag-attempt diumano si Diego na mag-suicide hanggang sa mawala na siya sa Los Bastardos. Ayon sa ulat, nasa ibang bansa ngayon ang aktor at sumasailalim sa therapy.
Mula noong mawala sa LB si Diego, wala na rin daw communication si Marco sa binata, “If they want na ilayo muna siya sa showbiz, okay lang. I can’t blame them. Kasi, minsan, kailangang ilayo mo rin ang sarili mo sa mga bagay na minsan, hindi okay sa ‘yo.
“So, if this is his way of coping or healing himself, and so be it. I really hope na sana, okay naman siya and I really hope na sana, makasama namin siya ulit,” pahayag pa ng binata.
Samantala, si Marco talaga ang personal choice ni Bela Padilla na siyang nagsulat at isa rin sa producers ng “Apple Of My Eye,” para maging leading man ni Krystal Reyes.
Ayon sa binata, matagal na silang magkaibigan ni Bela at nagpapasalamat siya dahil sa kanya napunta ang project na mala-KDrama ang feel. Kuwento ng dalawang bida, siguradong kilig overload ang nararamdaman ng madlang pipol sa kuwento ng “Apple Of My Eye” na saktung-sakto sa Araw ng mga Puso.
First time na magkakatrabaho sina Marco at Krystal, “Masaya siyang kasama sa set, noong una, medyo nahihiya, sabi ko, ‘hindi, okay lang ‘yan.’ I helped her also para hindi rin siya mahihiya or mailang. And you know, it was really fun,” kuwento ng hunk actor.
Mapapanood na ang “Apple Of My Eye” nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph sa Feb. 14. Ito ay mula sa direksyon ni James Mayo at sa panulat nga ni Bela Padilla.