IF WE’RE accurate in terms of election time table, huling araw na ito ng paglabas ng mga artista running for public office sa mga TV show as the campaign period officially kicks off tomorrow.
Huwag nang magtaka ang mga manonood kung bakit biglang pinatay ang karakter ni ganito at ni ganyang tauhan sa paborito nilang teleserye as their continued presence would not seem fair sa ibang mga kandidato who lack TV exposure to gain mileage.
Ito kasi ang itinakda ng Fair Election Code specifically for media celebrities who must shy away from their daily routine, thus para maka-concentrate din sila sa pag-iikot sa mga lugar where they hope to get votes.
Samantala, ang dating matunog na senatorial bet at former Presidential Spokesperson na si Harry Roque chickened out of the race. Health reasons ang kanyang ibinigay in his withdrawal.
Oo nga naman, what could be a more convincing, more acceptable alibi than a failing health? Pero ang mukha naman kasing mas kapani-paniwalang dahilan ng pag-atras ni Roque ay ang mababang ranggo niya sa mga survey.
Bukod pa rito ang tila kawalan ng bilib sa kanya ng dati niyang boss, si mismong Presidente Rodrigo Duterte, na kung ipagtanggol at sambahin niya noon ay kulang na lang magbuo siya ng kulto.
Withdrawing from the race is the wisest decision na ginawa ni Roque. Marapat lang na mas pangibabawin niya ang sinasabi ng kanyang puso—medically speaking—than his mind which clearly slams the fact that he has the slimmest chance to win straight to his face.
Isa ring senatorial bet na si Imee Marcos is also lagging behind sa mga survey. Lampas siya sa bilang na dose para manalo. Unlike Roque, Marcos doesn’t intend to withdraw her candidacy.
Kung ganu’n, eh, ‘di magkaalaman na. Let the voters decide kung gusto pa ba nating magkaroon ng kinatawan mula sa kanilang angkan makaraan ng napakaraming indultong inihatid nila sa ating bayan.
Teka, what is this political aria doing on an entertainment page? Wala ring iniwan ang paksang ito kung bakit may mga artista ring humalo sa politika.
Politics is anybody’s business. Lumayo pa tayo, politics is business and showbiz combined.