NIYANIG ng magnitude 4.5 lindol ang Surigao del Norte kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pagyanig na ito ay aftershock ng magnitude 5.9 lindol sa Surigao del Norte noong Pebrero 8.
Naramdaman ang lindol alas-11:06 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 47 kilometro sa silangan ng General Luna. May lalim itong anim na kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate.
Nagresulta ito sa Intensity IV paggalaw sa General Luna.
MOST READ
LATEST STORIES