Discount sa OFW remittance lusot na sa 2nd reading

PASADO na sa ikalawang pagbasa ang panukalang OFW Remittance Protection bill upang mas maging mura ang gastos sa pagpapadala ng remittance ng overseas Filipino workers sa kanilang pamilya na nasa bansa.

Ayon kay Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., may-akda ng House bill 9032, nababawasan ang pinaghihirapang kita ng mga OFW pagdaan nito sa mga remittance center.

“These OFW remittances are transferred from the OFWs to intermediaries, such as financial and non-bank financial institutions, before they reach their beneficiaries. In the course of the fund transfer, the amounts remitted are subject to several fees and high remittance charges which result in the depletion of the amount to be remitted and received,” said Gonzales.

Ayon kay Gonzales marapat lamang na bigyan ng discount ang remittance ng mga OFW bilang pagbibigay pugay sa kanilang sakripisyo na nagpapaganda ng takbo ng ekonomiya ng bansa.

Sa ilalim ng panukala bibigay ng discount ang mga OFW at tax incentives naman sa mga remittance center na magbibigay nito.

Read more...