Sa edad na 16, Kyline ayaw pang magka-boyfriend


MAS gustong mag-concentrate ni Kylie Alcantara sa kanyang career kesa sa lovelife. Bata pa raw siya (sa edad na 16) para maging seryoso sa usapin ng pag-ibig.

Tinutukso kasi si Kyline sa bago niyang ka-loveteam sa Kapuso seryeng Inagaw Na Bituin na si Manolo Pedrosa sa nakaraang presscon ng programa. Inamin ng young actress na medyo close na sila ni Manolo pero hanggang doon lang daw muna.

“Katulad ng sinabi ni Manolo kanina, nakapagtrabaho na po kami sa Daig Kayo Ng Lola Ko, so we’re really kind of confident and comfortable. Kasi nga rin po, Manolo is really positive and positive din po ako,” sabi ni Kyline.

Marami silang magiging sweet moments sa Inagaw Na Bituin kaya baka raw ma-fall siya sa binata kapag nagtagal-tagal na, “He’s cute. Cute siya and cute din po ako. Ha-hahaha!”

“But for now po, wala pa naman po kami sa ganu’ng stage ni Manolo, we’re like professionals,” aniya.

Dagdag pa ni Kyline gagawin nila lahat ni Manolo para pakiligin ang viewers, “Siyempre po, para magkaroon po kayo ng connections, kailangan mo rin pong mag-share ng personal life, ng personal story. But kapag sa personal relationship, wala talaga po.”

Hindi naman daw siya pinagbabawalan ng kanyang parents na magkaroon ng inspirasyon, pero desisyon niyang huwag munang isipin ang tungkol sa lovelife.

“I’m just really focused sa Inagaw Na Bituin because this is a really important show for me, yun muna ang focus ko ngayon. Kumbaga, I don’t want to distract myself. I want to inspire myself para maging eager pa ako sa mga bagay-bagay, but I don’t want to distract myself to these things,” pahayag pa ni Kyline.

Magsisimula na ang Inagaw Na Bituin sa darating na Lunes sa GMA Afternoon Prime, kasali rin dito ang award-winning young actress na si Therese Malvar na magiging kontrabida sa buhay ni Kyline.

Read more...