TINEXT namin ang isang taga-Star Cinema kung totoong malapit nang ma-hit ng pelikulang “The Hows Of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang P1 billion mark.
Pero habang sinusulat namin ang column na ito ay hindi pa kami sinasagot, marahil umiiwas lang sila na maging isyu pa ito sa ibang Pinoy movies na kumita rin naman ng malaki sa takilya.
Kaya namin tinanong ang Star Cinema ay dahil tatanggap ng Camera Obscura Camera Obscura Artistic Excellence Award ang “The Hows Of Us” sa gaganaping 3rd FDCP Film Ambassadors Night ngayong gabi sa Samsung Hall ng SM Aura, BGC, Taguig City.
Ito ang inanunsyo ni FDCP Chairperson Liza Dino sa ginanap na presscon kamakailan kasabay ng pagbabahagi ng iba pang proyekto ng FDCP this year.
Ang “The Hows Of Us” mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina ang tinaguriang highest grossing film sa Pilipinas. Bukod dito tatanggap din ng Camera Obscura sina Kidlat Tahimik at Bianca Balbuena.
Si Kidlat ay isang National Artist for Film at binigyan ng Prince Claus Award sa Amsterdam para sa pangunguna sa movement ng independent cinema sa bansa at pambihirang kontribusyon sa visual arts at film.
Si Bianca naman ay nakilala sa pagbuo ng successful international co-productions at pag-produce ng internationally recognized films, gaya ng “Hele sa Hiwagang Hapis” ni Lav Diaz at “Engkwentro” ni Pepe Diokno.
Nitong Oktubre ay pinangalanan din siya bilang Producer of the Year sa Asian Film Commissions Network sa Busan, South Korea.
Ang Camera Obscura Artistic Excellence Award ay ang pinakamataas na karangalan na iginagawad ng FDCP sa mga pelikula, filmmakers, at artists na nagbibigay ng inspirasyon sa Philippine film industry dahil sa kanilang tagumpay at husay sa larangan ng pelikula. Ibinibigay ang Award na ito taun-taon tuwing Film Ambassadors’ Night.
Bukod sa Camera Obscura awardees, kikilalanin din ng FDCP ang 86 honorees na ibinida ang Philippine cinema sa kanilang pagkapanalo sa international film festivals last year.
Ilan sa mga aktor na bibigyan ng award ay sina Dido dela Paz (Respeto), Odette Khan (Echorsis), Carlos Dala (1-2-3), Timothy Castillo (Neomanila), Christian Bables (Signal Rock), Allen Dizon, (Bomba), Ian Veneracion (Ilawod), Andi Eigenmann (The Maid In London), Mary Joy Apostol (Birdshot), Angellie Sanoy (Bomba), Ryza Cenon (Mr. & Mrs. Cruz), at Angeli Bayani (Bagahe).
Sa mga direktor naman nandiyan sina Sonny Calvento (Nabubulok), Mikhail Red (Neomanila), Carlo Obispo (1-2-3) at Treb Monteras II (Respeto).
Sa mga award-winning movies naman, tatanggap din ng pagkilala ang “Area” ni Louie Ignacio, “Sakaling Hindi Makarating” ni Ice Idanan, “Bomba” directed by Ralston Jover, “Bhoy Intsik” ni Joel Lamangan, “Die Beautiful” ni Jun Lana, “Nabubulok” ni Sonny Calvento, “Ang Panahon ng Halimaw” ni Lav Diaz, “Gusto Kita with All My Hypothalamus” ni Dwein Baltazar at “Bagahe” ni Zig Dulay.
Sa mundo naman ng telebisyon, pararangalan si Ruru Madrid para sa episode ng Magpakailanman na “Takbo ng Buhay Ko”, The One That Got Away (GMA 7) at Maalaala Mo Kaya.
Samantala, ang ilan sa partner ng FDCP sa eevnt na ito ay ang Globe #PlayItRight, Fullhouse Asia Production Studios, Inc., Fire And Ice Productions, HEA Watches at Sinag Maynila.