NU tinambakan ang UP

Mga Laro sa Miyerkules (SM MOA Arena)
2 p.m. Ateneo vs UE
4 p.m. FEU vs NU
Team Standings: FEU (4-0); UST (3-1); NU
(3-1); Adamson (2-2); La Salle (2-2); Ateneo (1-3); UE (1-3); UP (0-4)

NAKUHA rin ng mga beterano ang kanilang tunay na laro at ang Ateneo de Manila University ay umani ng 71-59 panalo sa Adamson University sa 76th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Juami Tiongson ay may15 puntos habang double-double ang ibinigay nina JP Erram at Ryan Buenafe at ang Blue Eagles ay nagdomina rin sa rebounding para kunin ang unang panalo matapos ang tatlong kabiguan.

“It’s a big relief,” wika ni first year Ateneo coach Bo Perasol sa naitalang unang panalo sa koponan. Sa ikatlong yugto kumawala ang Eagles sa Falcons at si Erram na hindi starter, ang nagpasimula nito nang gumawa ng 10 puntos sa 25-19 palitan para ang 32-28 kalamangan sa halftime ay lumobo sa 10 puntos, 57-47, papasok sa huling yugto.

Anim na sunod na puntos nina Erram, Tiongson at Nico Elorde ang nagbigay sa Eagles ng pinakamalaking kalamangan sa laro na 15 puntos, 70-55, para makapagdiwang na ang mga panatiko ng Ateneo.

May 12 puntos at 12 rebounds pa ang 6-foot-7 na si Erram habang si Buenafe ay kinapos ng isang assist para sa triple-double sa kanyang 11 puntos, 12 rebounds at siyam na assists.

Ang pinagsamang 24 rebounds sina Erram at Buenafe ang nakatulong para manalo ang Ateneo sa number one rebounding team na Adamson, 49-37.

Ipinasok na rin si Kiefer Ravena sa aksyon at naghatid ito ng apat na puntos sa 11 minutong paglalaro. Si Jericho Cruz ay mayroong 21 puntos pero ang pambatong sentro na si Ingrid Sewa ay binagabag ng shoulder injury at nalimitahan lamang sa apat na puntos, 10 rebounds at dalawang blocks.

Isa pang ininda ng tropa ni Adamson coach Leo Austria ay ang 9-of-21 shooting sa 15-foot line para bumaba sa 2-2 baraha.
Naisulong naman ng National University sa 3-1 ang baraha sa 74-60 pangingibabaw sa University of the Philippines sa unang laro.

Sina Bobby Parks Jr. at Emmanuel Mbe ay may 18 at 15 puntos pero tumulong sina Gelo Alolino at Troy Rosario sa 12 at 10 puntos upang sumalo sa ikalawang puwesto ang bataan ni NU coach Eric Altamirano sa University of Santo Tomas.

Ito ang ikaapat na sunod na pagkatalo ng UP na humugot ng kabuuang 35 puntos kina Sam Marata, Kyles Lao at Raul Soyod.

The scores:
First Game
NU 74 – Parks 18, Mbe 15, Alolino 12, Rosario 10, Javillonar 9, Roño 3, Alejandro 3, Villamor 2. Khobuntin 2, Porter 0, De Guzamn 0
UP 60 – Marata 14, Lao 11, Soyud 10, Ball 8, Gallarza 5, Pascual 3, Gingerich 3, Asilum 3, Wong 2, Ligad 1, Suarez 0, Paras 0, Desiderio 0, Amar 0
Quarters: 21-13, 39-29, 53-47, 74-60
Second Game
ATENEO 71 – Tiongson 15, Erram 12, Buenafe 11, Newsome 10, Golla 6, Ravena 4, Pessumal 3, Tolentino 2, Lim 2, Elorde 2, Enriquez 0
ADAMSON 59 – Cruz 21, Cabrera 14, Brondial 8, Sewa 4, Iñigo 3, Agustin 3, Rios 2, Monteclaro 2, Abrigo 2, Trollano 0, Petilos 0, Julkipli 0
Quarters: 13-16, 32-28, 57-47, 71-59

Read more...