MARIEL: Natatakot talaga ako…hindi ko alam kung paano ko siya palalakihin! By: Reggee Bonoan - 11 years ago NARITO ang part two ng mahabang kuwentuhan namin ni Mariel Rodriguez tungkol sa nakakaloka niyang experience sa Immigration office ng John F. Kennedy International Airport sa New York. Inamin ng TV host-actress na kinabahan din siya habang iniinterbyu ng mga Immigration officers lalo na nang matanong siya tungkol sa mga baril dahil nga sa nakitang permit to carry firearm sa kanyang mga dokumento. “Tinanong nga ako kung sharpshooter ako, sabi ko, ‘No! I’ve only fired it once.’ Tapos tinanong ulit ako ng, ‘Why do you have a gun?’ Ang normal na tao, sasabihin, for protection. Ang Mariel, ang sinabi, ‘My husband (Robin Padilla) is into guns.’ So, sabi nila, ‘Oh really! He’s into guns? He’s a lot of guns? How many guns does he have? “Sabi ko, ‘I don’t know how many, all I know is, he has a .45 (caliber), he’s in the movies, he’s an action star, I’m married to an action star.’ E, yun naman talaga ang totoo, di ba? Inamin ko na.” “Tapos tinanong ako, ‘Is he (Robin) famous?’ sabi ko, ‘Oh yes, he’s an icon.’ Tapos natanong kung nakasama na ako sa mga pelikula at kung anong role ko. Tapos sabi ko na ang name niya tapos sinabi ko rin ang screen name ko at sinabi ko, i-check nila sa YouTube. “After nu’n sinabi nila, ‘Oh, we have to speed up this because we have superstar waiting up there.’ At in-escortan ako hanggang labas, o di ba? ‘Yun ang pinaka-winner ko sa lahat!” tumatawang kuwento ni Mariel na talagang ikinaloka namin. Samantala, tinanong naman namin kung kumusta naman ang pagsasama nilang mag-asawa, “Okay kami, masayang-masaya,” kaswal na sabi sa amin ng maybahay ni Binoe na nauna na ngang itinaggi ang issue na hiwalay na sila. Hindi nga raw nila pinag-uusapan ni Robin ang tungkol dito, “Hindi, iba kasi ang mga pinag-uusapan namin saka masaya lagi. Kakatuwa nga kasi nu’ng pagdating ko, pinuno niya ng mga bulaklak ang bahay kasi alam niyang mahilig ako sa bulaklak.” Muli, tinanong namin kung kailan nila planong magkaroon ng anak? “Actually, sa totoo lang, hindi pa ako ready, mentally at financially,” mabilis na sagot ni Mariel na ikinagulat namin. “Parang hindi ko kasi pa kayang mag-alaga kasi ayokong iasa sa kasama lang sa bahay, tapos parang may fear pa ako kung paano palakihin kasi baka hindi ko maturuan ng tama. “Pagdating naman sa panggastos, magkano ang gatas, diapers, lahat ng kailangan ng sanggol, tapos baka hindi ko kayang pag-aralin sa magandang school, dapat may ipon ka para sa tuition, e, magkano ang tuition ngayon, ang hirap nu’n. Hindi naman kasi ako ‘yung tipo na aasa (bigay) lang na give me some-some,” paliwanag sa amin ni Mariel. Naitanong din namin kung paano na ang set-up nila ni Robin sa pagbabayad ng bills at groceries. Noong sa Fairview pa nakatira sina Robin at Mariel ay sagot ng huli ang groceries at personal niyang gastusin samantalang si Binoe sa lahat ng bills. At ngayong nasa Parañaque City na sila, “Depende, pero nitong last kasi nasa States ako, siya ang nagbayad ng kuryente, pero bago naman ako umalis, nagbayad din muna ako. Tapos pag-uwi ko, nagbayad naman ako ng telepono, so tapos ‘yung iba pa. “Kasi gusto ko relax lang siya pagdating ng bahay, kasi ang dami na niyang stress, eh. Lahat ng pinupuntahan niyang lugar stressful, hectic, lahat, so pag nakauwi na siya sa paradise (tawag nila sa bahay nila), relax na siya, bawal mag-away sa paradise, bawal mga nega, happiness lang lagi,” pahayag pa ng TV host. At kapag nasa bahay lang daw ang mag-asawa ay wala silang ginagawa kundi manood ng paborito nilang TV series at kapag si Robin daw ay nanonood ng news ay nagke-candy crush naman si Mariel. “Tapos magagalit siya sa akin kasi ipapa-rehab na raw niya ako kasi wala akong ginawa kundi mag-candy crush, sabi niya, ‘Alam mo, may tawag diyan, kailangan na ba natin (rehabilitation)?’ sabi niya sa akin talaga,” tumatawang kuwento ni Mariel. Samantala, nagmamadaling umalis na rin ang TV host dahil mamimili pa raw siya ng salmon na lulutuin niya para sa hapunan nila na special request daw mismo ni Robin. READ NEXTBB GANDANGHARI muntik nang mamatay dahil sa ‘U.T.I.’ at sobrang DEPRESYON MOST READ Comelec junks plea of 18 nuisance bets, one of them to seek SC's help Marcos says he ordered impeachment moves vs VP Sara Duterte stopped Taguba says he never changed tune on Paolo Duterte LPA formation between Visayas and Mindanao likely this weekend – Pagasa Pagasa: Parts of PH to see rains Nov 29 due to 3 weather systems LATEST STORIES Big bike hits man crossing Mandaue street, cuts his leg Smart rolls out TNT 5G Max in Taguig F1: Charles Leclerc, Carlos Sainz clear the air after Las Vegas rift Pacers out to extend win streak, dent Pistons' NBA Cup hopes Basic oral healthcare services now covered by PhilHealth Read more...