BB GANDANGHARI muntik nang mamatay dahil sa ‘U.T.I.’ at sobrang DEPRESYON

SO, ayan, ha, hindi isang nakakahawang sakit ang tumama kay BB Gandanghari, mismong ang “sister” na ni Robin Padilla ang nagsabi na wala siyang STD at isang acute case ng urinary tract infection ang kanyang naging sakit kaya halos isang linggo siyang na-confine sa ospital.

At dahil nga dito, nag-suffer din si BB ng severe dehydration na muntik nang sumira sa kanyang kidney at bladder. Sabi nga niya sa Startalk nu’ng Sabado, kung hindi siya nadala agad sa ospital ng kanyang inang si Mommy Eva, baka raw nagda-dialysis na siya ngayon o baka namatay na siya.

Ayon pa kay BB, nakuha niya ang nasabing sakit dahil sa sobrang pagdyi-gym at hindi pag-inom ng maraming tubig. Bukod pa rito, dahil daw sa sobrang depresyon kaya mas lalong lumala ang kanyang karamdaman.

Pero kung may ipinagpapasalamat si BB sa mga nangyari, yan ay ang pagtanggap sa kanya ni Robin bilang bading. Parang nasa langit daw ang feeling niya nang tawagin na siya ni Binoe ng sister.

Dinalaw pa raw siya ng kapatid sa ospital kasama si ang anak nitong si Ali. Nu’ng malaman nga ni Robin kung ano ang sakit niya, ang naging reaksiyon daw niyo ay, ay, “O, ‘tol, anong nangyari?”

Nang malaman daw ng kapatid kung ano ang kanyang sakit, ang naging reaksiyon daw nito ay, “Pati sakit mo, pambabae na talaga, ha!” na talagang ikinahagalpak niya ng tawa.

Ngayon daw ay matatahimik na siya dahil tanggap na siya ng buong pamilya, sa katunayan ay nagpaplano na sila ng isang bonggang reunion.

Read more...