‘Iba pa rin ang karisma ni Bong sa masang Pinoy’

BONG REVILLA

BUMISITA na sa aming probinsiya si dating Senador Bong Revilla. Mahal ng mga Novo Ecijano ang aktor-pulitiko, malaking bulto ng boto ang inani niya sa Nueva Ecija nu’ng una siyang tumakbong senador, malaking karagdagan ‘yun sa pagiging number one niya.

Kuwento ng aming mga pinsan ay sobrang init ng pagtanggap ang ibinigay ng aming mga kaprobinsiya sa kanilang mahal na senador. Sa kanyang pag-iikot ay talagang naglalabasan sa kani-kanilang bahay ang lahat ng dinadaanan ng kanyang motorcade.

Sabi ng pinsan namin, “Lalabas ba naman ng bahay ang mga taong ‘yun kung ayaw sa kanya? Sa atin pa? E, may mga nagmo-motorcade nga dito na hindi naman pinapansin ng mga tao?

“Pero si Senator Bong, kung puwede lang na sumunod sila sa motorcade hanggang sa ibang bayan, e, ginawa na sana nila. Ganu’n siya kalakas dito sa Nueva Ecija,” nagmamalaking kuwento ng aming pinsan.

Kung karisma ang pag-uusapan ay hindi ‘yun ninakaw sa aktor-pulitiko nang halos limang taon niyang pamamalagi sa PNP Custodial Center. Naikulong ng mga kalaban ang senador pero hindi nagtagumpay ang mga ito na laslasin sa kanyang pagkatao ang pagmamahal sa kanya ng ating mga kababayan.

Read more...