YUNG halos anim na taon sa kulungan ang nakikita naming rason kung bakit mas ramdam ang sinseridad sa pagsasalita at pagsisikap na lawakan ni former Sen. Bong Revilla ang kanyang pag-iisip.
Inamin nitong bilang tao ay nasasaktan pa rin siya sa pamba-bash at pambu-bully ng detractors niya, pero sana raw ay matanggap na ng mga ito ang naging desisyon ng Ombudsman sa kaso niya.
“Alam nating we cannot please everyone, kaya sa pagsisimula ng kampanya at sa paglatag ko uli ng aking mga plataporma, sana’y masuri ito ng mga botante. Husgahan nila ako sa eleksyon,” ang hamon pa nito sabay dialogue ng, “Anak ng teteng talaga, oh!” bilang sagot sa bashers.
Plano ni Bong na maging aktibo muli sa showbiz ngayong 2019 at nagpaplano na rin sila para sa taunang MMFF.
Isa pa rin ang showbiz sa mga sektor na nais niyang matulungan sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas na maaaring magpababa sa tax na sinisingil sa mga sinehan, bayad sa sine, regulation sa social media at iba pa.