‘TBATS’ nina Boobay at Tekla winner uli

TEKLA AT BOOBAY

DALAWANG magkasunod na Linggo nang wagi sa ratings game ang The Boobay And Tekla Show.

Kaya naman mas lalo raw ginanahan sina Boobay at Super Tekla sa pagtatrabaho at nangakong mas pagagandahin pa ang mga susunod nilang episode.

Base sa datos ng NUTAM People Ratings ng AGB Nielsen, nakakuha ng 5.3% ang pilot episode ng TBATS (Jan. 27) habang 4.9% naman ang Gandang Gabi Vice. Sa second episode ng programa (Feb. 3) nakapagtala ang TBATS ng 5.6% habang 3.8% ang GGV, base pa rin sa AGB Nielsen. Ibig sabihin nito, talagang tinututukan na ngayon ng mga manonood ang mga pasabog at sorpresa nina Boobay at Tekla.

Ngayong gabi, tutukan ang pagpapatuloy ng “DNA Test” segment sa TBATS kung saan mismong ang Primetime Queen na si Marian Rivera ang makakasama ng dalawang Kapuso comedian. Ito ‘yung parody ng pinasikat na DNA Test story ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sa “Pranking In Tandem” segment naman makakasama rin nina Boobay at Tekla si Marian as they play a prank on a choreographer. Pero ang tanong, magtagumpay kaya ang tatlo sa balak nila?

Samantala, sa man-on-the-street interview naman ng TBATS, Boobay and Tekla will ask pedestrians yet another mind-blowing question which is sure to elicit sidesplitting answers.

At dahil malapit na ang Valentine’s Day, may “hysterical dating game” na inihanda ang TBATS featuring Kapuso comedienne Divine Aucina and Patricia Ismael kasama pa ang mga bagong GMA hunks. At siyempre, mawawala ba ang laging trending na “Dear Boobay And Tekla.”

Directed by Rico Gutierrez, ang The Boobay And Tekla Show ay napapanood tuwing Sunday after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7.

Read more...