TATLONG “yes” ang nakuha ng dating finalist sa “Hype Kang Bata Ka” ng Eat Bulaga nang magpakitang-gilas ito sa pilot episode ng Asia’s Got Talent Season 3.
Ang tinutukoy namin ay ang wonder kid na si Zeexhie (na Zianne Garcia ang tunay na pangalan) na unang napanood bilang finalist noon sa “Hype Kang Bata Ka” ng Eat Bulaga.
Tuwang-tuwa at bilib na bilib ang AGT judges na sina Anggun, Jay Park at David Foster sa buwis-buhay performance ng 6-year-old cheerleader kasama ang kanyang amang si Renier Garcia.
Isa lang ang bagets sa tatlong Pinoy acts na nakatanggap ng tatlong “yes” sa bagong season ng Asia’s Got Talent na nagsimula last Thursday.
Sa isang panayam, sinabi ng tatay ng amazing kid na malaki ang utang na loob nila sa Eat Bulaga dahil doon talaga mas nahasa ang kakayahan at talent ni Zeexhie sa cheerleading.
Ang tatlo pang nakapasok sa susunod na round ay ang 2017 WCOPA grand finalists na HK Sisters at ang hip hop dance group na Junior Good Vibes.