Kawal-intel nalasing, nagpaputok, dakip

ARESTADO ang isang intelligence operative ng Army matapos na walang habas umanong magpaputok ng baril habang lasing, malapit lang sa kampo ng militar sa Tanay, Rizal, Huwebes ng gabi.

Nadakip si Rick Jay Icaro, aktibong miyembro ng Armed Forces at nakatalaga sa Army 2nd Infantry Division bilang intelligence operative, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Dinampot ng mga tauhan ng Tanay Police si Icaro dakong alas-9:45 sa Brgy. Sampaloc, kung saan naroon ang kampo ng 2nd ID.

Lasing umano si Icaro nang paputukin ang baril. Walang naiulat na nasugatan dahil sa lupa ipinutok ng kawal ang armas, ayon sa ulat.

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre-.45 pistola, tatlong magazine, at 10 bala. 

Read more...