SINUNOG ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army ang apat na heavy equipment na ginagamit para sa pagpapatayo ng gobyerno ng isang dam sa Infanta, Quezon, Biyernes ng umaga.
Sinilaban ng aabot sa 15 rebelde ang tatlong back hoe at isang bulldozer na pag-aari ng Northern Builders Corp., sa Sitio Queborosa, Brgy. Magsaysay, dakong alas-6:30, sabi ni Senior Supt. Osmundo de Guzman, direktor ng Quezon provincial police.
Ang mga naturang equipment ay ginagamit para sa road widening na isinasagawa kaugnay ng pagpapatayo sa Kaliwa Dam, aniya.
Ang naturang dam, na nagkakahalaga ng halos P19 bilyon, ay inaasahan ng gobyerno na makatutulong sa pagsu-suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig-lugar.
Nagpakalat na ng tauhan ang pulisya at Philippine Army para tugisin ang mga salarin, ani De Guzman.