Buwan ng mga puso nanaman! Kapag sinabi bang puso agad bang tinutukoy ang romantikong pag-ibig? Para kay Noel Cabangon hindi. Meron ding pag-ibig para sa anak, sa bayan, sa kaibigan, sa musika. Ito ang handog ni Noel sa HIMIG NG AKING PAG-IBIG, ang kanyang special concert sa February 13, 8pm sa Music Museum. First time nya magpa-Valentine concert kaya’t excited din sya. Kasama nya sa pag-awit ng iba’t-ibang lengwahe ng pag-ibig sina Jim Paredes, Boboy Garrovillo, Shiela Valderamma, Bea Lorenzo at ang kanyang anak na si Gab Cabangon. Magtungo sa Ticketworld para sa tickets.
MOST READ
LATEST STORIES