TATLO ang patay, samantalang anim na iba pa ang nasugatan, kabilang ang dalawang pulis matapos ang pamamaril sa Teresa, Rizal Huwebes ng gabi.
Sa ulat mula sa Rizal Provincial Police Office, sinabi nito na nasa harap ng kanyang bahay ang biktimang si Ruben Francisco nang bigla na lamang siyang barilin ng isang John Albert Araojo.
Sumunod na binaril ni Araojo si Wildredo Lukban na nasa bisinidad at isang Celso Bernales Jr., isang tricycle driver na naghihintay ng pasahero nang mangyari ang insidente, ayon sa pulisya.
Dead on the spot ang tatlong biktima, ayon kay Senior Insp. Marinell Fronda, chief ng Teresa Municipal Police Station.
Rumesponde sina Police Officer 3 Emillano Pantaleon at Police Officer 1 Eleuterio Mina ngunit pinaputukan din ng suspek.
Apat pang iba pa ang nasugatan sa pamamaril, ayon sa pulisya.
Idinagdag ng pulisya na gumanti ng putok ang mga pulis bagamat nagawang makatakas patungong munisipalidad ng
Morong sakay ng kanyang motorsiklo.
Nagsasagawa na ng manhunt lanan sa suspek.
Dinala ang mga biktima sa Saint Therese Hospital para magamot.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril.