PERSONAL na magtutungo si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Hong Kong para um-attend sa “meet and greet” kasabay ng pagdi-display sa kanyang wax figure sa pamosong Madame Tussaud.
Ayon kay Pia, ipinaalam sa kanya na ang kanyang wax figure ay ilalagay mismo sa entrance ng sikat na museum.
“They did tell me na sa harap, sa may entrance siya ng museum. But the meet and greet that I will be doing in Hong Kong won’t be the reveal yet. Parang promo muna. So meet and greet muna with the Filipino community,” aniya sa isang panayam.
“While we’re doing the promo, unti-unti na rin kaming magbibigay ng sneak peek ng gown, and crown,” ani Pia.
MOST READ
LATEST STORIES